Cactus & Succulent Collectors, Naglunsad ng Fund Raising para sa mga matatandang Novo Ecijano

Naglunsad ng Fund Raising para sa mga matatandang Novo Ecijano ang Cactus & Succulent Collectors sa idinaos na Guild Love of Novo Ecijanos Cactus and Succulents Growers na ginanap sa Old Capitol Auditorium Cabanatuan City noong November 30, 2019.

Sa panayam kay Marlon Bulanadi, Vice President ng Guild of Novo Ecijanos Cactus & Succulents Growers, sinabi nito na nagsagawa sila ng fund raising hindi lang para sa kanilang kinagigiliwang libangan kundi upang makalikom ng pondo upang idonate nila sa mga lolo at lola na Novo Ecijano sa darating na kapaskuhan.

Tahanan ng Damayang Kristyano Shelter for the Elderly sa San Jose City,
napili ng Cactus & Succulent Collectors bilang benipisyaryo

Napili ng Cactus & Succulent Collectors na maging benepisyaryo ang Tahanan ng Damayang Kristyano Shelter for the Elderly sa San Jose City.

Ibat-ibang uri naman ng Cactus at Succulent ang kanilang ibinandera sa mga mamamayan.

Marami rin sa mga mahihilig sa Cactus at Succulent ang pumunta dito upang silipin ang ibat-ibang klase ng kanilang mga paninda.

Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga taong nangangailangan at makapag-pasaya lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Cactus & Succulent Collectors, Naglunsad ng Fund Raising para sa mga matatandang Novo Ecijano


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *