Candidates ng Mr. At Ms. Wesleyan 2020, humataw sa Pre-pageant at Talent Competition

Hataw kung hataw ang mga kandidata at kandidato ng mr. And ms. Wesleyan university sa pagpapamalas ng kanilang talento sa pre-pageant at talent competition na ginanap sa sm city cabanatuan noong february 17, 2020.

vKabilang sa mga talento na kanilang ipinakita ay ang pag-sayaw, pag-kanta, pag-pipinta at mayroon ding humugot sa spoken poetry.

Matapos na ipakita ang kanilang mga talento, ay nagkaroon rin ng casual interview ang mga kalahok.

Ayon kay john cerubin canoza na in-charge sa pre-pageant competition, hindi lang ganda at talino ang mayroon ang mga wesleyanian, kaya rin umano nilang makipag-sabayan sa pagpapamalas ng kanilang mga talento sa harap ng maraming manunuod.

Nagpapasalamat rin si canoza dahil sa kabila ng kanilang pagod at hirap ay maganda at very succesful naman ang pagdaraos ng kanilang event.

Ang pre-pageant and talent competition ng mr. And ms. Wesleyan 2020 ay bahagi ng  pagdiriwang ng 74th founding anniversary ng wesleyan university philippines.

Samantala sa darating na february 26, ay gaganapin naman ang awarding at coronation night na idaraos sa wesleyan university philippines sports and cultural center, ganap na alas singko ng hapon. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Candidates ng Mr. At Ms. Wesleyan 2020, humataw sa Pre-pageant at Talent Competition


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *