BONGABON ONION KINGS, NASILAT SA TEAM BAGONG CABANATUAN SA SCORE NA 85-75

1
Team Bagong Cabanatuan gamit ang trap defense sa Bongabon Onion Kings

Gamit ang trap defense, tinalo ng Bagong Cabanatuan sa unang pagkakataon ang Bongabon Onion Kings sa final score na 85-75.

Sa 1st quarter ng laban, pabor para sa Bongabon Onion Kings.

Pagtuntong ng 2nd quarter, agad silang binawian ng Bagong Cabanatuan sa pamamagitan ng mga key player na sina Jolo Malaca, Donn Arenas, Justin Tadeo at Kelly Quejada.

 Hindi na binitawan ng Bagong Cabanatuan ang malaking kalamangan nito sa 3rd quarter na umabot ng halos 20 puntos.

2

Ngunit pinilit pa rin na habulin ng Onion Kings sa 4th quarter subalit bigo pa rin.

Ayon kay Coach Derrick Evangelista ng Bagong Cabanatuan, ibinigay ng mga manlalaro ang 100% sa laro upang mapataob ang Onion Kings.

Sa ngayon, magkapareho na ang team standing ng Bongabon at Cabanatuan na mayroong limang panalo at tig-isang talo.

At sa July 25 araw ng Sabado, makakaharap ng Bagong Cabanatuan ang Team San Leonardo na gaganapin sa Palayan City Gymnasium at sa araw ng Linggo July 26 ang Team Peñaranda na gaganapin sa Sta. Rosa Gym.- Ulat ni Shane Tolentino

4

3


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *