Cashless, contactless toll collection sa lahat ng expressway sa Luzon, simula na sa Nobyembre

Target ng Toll Regulatory Board na simulan sa November 2, 2020 ang cashless at contactless toll collection sa lahat ng expressway sa Luzon.

Alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation Order 2020-012 na nilagdaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade na gagawin nang electronic toll o gagamit ng Radio Frequency Identification (RFID) sa pagbabayad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Inatasan naman ng DOTr ang Land Transportation Office para pag-aralan ang mga pamamaraan upang pahintulutan ang bagong sistema, habang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board naman ang magbabantay kung sumusunod ang mga Public Utility Vehicles.

Ang mga expressway na magpapatupad ng contactless transactions ay ang South Luzon Expressway (SLEX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), South Metro Manila Skyway, Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Kabilang din ang mga road network at extension ng mga nabanggit na expressway na maaaring buuin


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *