Casis, bagong lider ng JTF-NCR; Tolentino, ika-17th commander ng 703rd Brigade

Isinalin na ni BGEN. Abraham Claro Casis ang liderato kay COL. Rowen Tolentino bilang bagong pinuno ng 703rd (Agila) Brigade sa ginanap na Change of Command ceremony noong July 12, sa  Bongabon, Nueva Ecija.

Tinanggap ni COL. Tolentino ang bandila mula kina outgoing BGEN Casis at 7th Infantry Division (7ID) Commander MGEN. Felimon Santos Jr.

Si Casis ay miyembro ng PMA class 1985, na nagsilbi ng halos dalawang taon sa 703rd.

Sa ngayon, ay nakatakdang pamunuan ni Casis ang Joint Task Force-National Capital Region.

Si Tolentino naman ay mula sa Villamor Air   Base, Pasay City at miyembro ng PMA class 1989. 

Naunang naglingkod bilang hepe ng Management Fiscal Office of the Philippine Army bago umupo bilang ika-labing pitong lider ng 703rd.

Papuri at pasasalamat ang ipinahayag ni MGEN. Santos kay BGEN Casis sa mga tagumpay at hindi matatawarang nagawa nito sa pamumuno sa 703rd.

Sabay paghamon kay COL. Tolentino na alagaan at mas lalong pagbutihan ang pamumuno sa kaniyang bagong tahanan.

Ang Change of Command ceremony ay isang tradisyon sa hanay ng militar bilang simbolo ng pagsasalin ng liderato sa mga bagong mamumuno. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *