Cellphone and Computer Repair Shop, Ninakawan; Water delivery Boy, Natagpuang Patay

Winasak ng mga magnanakaw ang accordion door ng Hekyla Cellphone and Computer Repair Shop.
Winasak ng mga magnanakaw ang accordion door ng Hekyla Cellphone and Computer Repair Shop.

Nanakawan ng umaabot sa Php 37,000.00 na halaga ng mga cellphone, laptop, at tablet ang Hekyla Cellphone and Computer Repair Shop sa barangay Del Pilar East, bayan ng Zagagoza.

Ayon sa report ng Zaragoza Police Station, personal na nagtungo sa istasyon ang may-ari ng inuupahang establisyemento na si Enrique Enriquez, at inuulat ang naganap na pagnanakaw.

Tinangay ng mga hindi nakilalang suspek ang dalawang IPHONE 4, dalawang unit ng laptop; isang Samsung at China, isang unit ng Lenovo A516 at isang unit ng China tablet.

Napag-alaman na nakapasok ang mga magnanakaw sa shop sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng accordion door sa harapan.

Ang 35-anyos na si Alvin Alonde ay natagpuan na lamang na isa ng malamig na bangkay sa gilid ng kalsada.
Ang 35-anyos na si Alvin Alonde ay natagpuan na lamang na isa ng malamig na bangkay sa gilid ng kalsada.

Cabanatuan City- Natagpuang nakahandusay at wala ng buhay ang isang water delivery boy sa gilid ng kalsada sa barangay Camp Tinio, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Alvin Alonde y Yumul, trenta’y singko anyos, binata, at residente ng naturang barangay.

Natuklasang may mga tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng kaha ng kalibre kwarenta’y singko..- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *