China, itinigil na umano ang pag gawa ng man made island sa West Philippine Sea

48th ASEAn meeting in Kuala Lampur, Malaysia. (Photo coutesy of: Reuters)
48th ASEAn meeting in Kuala Lampur, Malaysia. (Photo coutesy of: Reuters)

Pag tanggal sa lahat ng mga equipment sa West Philippine Sea lamang umano ang  matibay na ebidensya na hindi na itutuloy pa ng China ang pag gawa ng mga man-made islands at military base sa disputed waters ng West Philippine Sea.

Ipinahayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) meeting ang pag papatigil sa pag gawa sa West Philippine Sea. hinamon pa ni Yi na lumipad ang mga sasakyang pang himpapawid ng mga karatig bansa upang masigurado na itinigil na ang pag gawa sa mga nasabing isla.

Ilang mga isla na sa Kalayaan Group of Island ang ginawan ng military base at tinayuan ng ilang mga building sa lugar.

Ayon naman kay spokesman Peter Paul Galvez

Distance of the Disputed Islands from China and the Philippines
Distance of the Disputed Islands from China and the Philippines

“Although we welcome the announcement, it is better if you ask the Chinese government about that. Nonetheless, a stop in the reclamation doesn’t change the fact that they have violated the agreement among states, disrespected nations in the area and violated our maritime rights placing the region in crisis.

Kung i pu-pull out nga ng China ang kanilang mga hukbo sa lugar, dito na natin maaaring masabing may pag asa nang mapag usapan ang problema sa West Philippine Sea sa mas maayos na paraan.

Hanggang ngayon ay inaantay pa rin ng mga bansa na kasapi sa  ASEAN ang susunod na hakbang tungo sa maayos na negosasyon sa bansang China sa buong West Philippine Sea. – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *