Chinese national, natagpuang patay sa apartment sa Sta. Rosa; Tulak umano ng shabu, tumba sa buy-bust sa Aliaga; Pusher nanlaban sa pulis sa Muñoz, dedbol

Natagpuang patay ng kanyang empleyado ang Chinese national na si Chaofei Rong
sa loob ng apartment nito sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang nirentahang apartment ang isang Chinese national sa Sta. Rosa.

Kinilala ang biktimang si Chaofei Rong, 33 years old, binata, Project Manager ng Century Star Advance Construction Incorporated, naninirahan sa Peras Apartment, barangay Rizal.

Ayon sa salaysay ni Sulamita Saldivar, empleyado ng biktima, 7:05 ng gabi noong July 21, 2019, nang makita nya ang bangkay nang kanyang amo na nakahandusay sa kusina at napapalibutan ng suka.

Wala namang natuklasang senyales na nagkaroon ng komosyon o panlalaban ang mga otoridad.

Sa bayan ng Aliaga, patay ang isang diumano’y tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa barangay La Purisima.

Binaril umano ni Joseph dela Cruz ang mga pulis na nagpanggap na bumibili
sa kanya ng droga ngunit wala itong natamaan.

Kinilala ang suspek na si Joseph dela Cruz na residente ng barangay Sapang, Cabanatuan City.

Base sa report ng Aliaga Police Station, 10:20 ng gabi noong July 22, 2019, nakatunog ang suspek na pulis ang binebentahan nito ng droga kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang katransaksyon pero hindi ito tinamaan.

Gumanti naman ng putok ang nagpanggap na pulis at mga kasamahan nito na naging sanhi ng kamatayan ni dela Cruz.

Sa lungsod naman ng Muñoz, dead on the spot ang isang pusher na diumano’y nanlaban sa mga otoridad habang nakatakas naman ang kasabwat nito sa isinagawang buy-bust operation sa barangay Curva.

Napatay umano sa buy-bust operation ang diumano’y pusher na si Arvin Umayam nang manlaban ito sa mga otoridad sa Guimba, Nueva Ecija.

Kinilala ang suspek na si Arvin Umayam at residente ng bayan ng Guimba.

Batay sa ulat ng Munoz Police Station, 1:00 ng madaling araw noong July 24, 2019, matapos makabili ng shabu na nagkakahalaga ng isanlibong piso ay nagpakilala ang pulis sa mga suspek para arestuhin ang mga ito.

Isa umano sa mga suspek ay nagpaputok ng baril kaya naman gumanti ang mga pulis na ikinamatay ni Umayam.

Mabilis namang nakatakas ang kasama nito sakay ng isang kulay pulang Honda 155 motorcycle papuntang barangay Naglabrahan, Munoz.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang caliber .38 revolver at limang basyo ng bala ng 9mm na baril.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *