Christian Lamson, itinanghal bilang Ginoo Talent sa Ginoong Nueva Ecija 2016

   Nagpakita ng talento at galing ang labing-pitong kandidatong kalahok sa ginoong nueva ecija, noong october 9, 2016 na ginanap sa robinsons townville, cabanatuan city.

   Ang ilan ay nagpamalas ng galing sa pagsayaw, pagkanta, paggamit ng ibat-ibang instrumento at pag-arte.

Mga kandidato ng Ginoong Nueva ecija, Habang ipinakikita ang kanilang mga talento.
Mga kandidato ng Ginoong Nueva ecija, Habang ipinakikita ang kanilang mga talento.

   Hindi lamang sa talento nagpakitang gilas ang mga kandidato kundi maging sa kanilang  pagsagot sa question and answer portion.

   Malaking pasasalamat naman ang ipinaaabot ng organizer ng necva na si alfred santos sa suportang natanggap sa mahal na gobernadora cherry domingo umali.

Christian Lamson, Naiuwi ang titulo bilang Ginoo Talento 2016
Christian Lamson, Naiuwi ang titulo bilang Ginoo Talento 2016

   Pasok sa top seven sina candidate 2 ronnel angeles, candidate 4 eris godoy, candidate 7 christian gurtiza, candidate 8 renz maun, candidate 9 christian lamson, candidate 16 rexter iniego at candidate 17 matthew lustre.

   Samantala, mapalad na naiuwi ni candidate 9 christian lamson ang titulo bilang ginoo talento 2016.

   Kung saan ipinamalas ang pagtugtog ng instrumentong saxophone sa awiting “all of me” –Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *