Christmas in Havana, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija

Masayang nagtipon-tipon ang mga empleyado ng Provincial Government noong Martes, December 10, 2019 para sa kanilang Christmas Party na may temang Christmas in Havana.

Nagkamit ng Best Dress Award ang apat na nag-effort para sa kanilang Havana outfit na kinabibilangan nina Eduardo Dela Cruz Jr. ng Bongabon District Hospital, Liza Pangilinan ng Office of the Sangguniang Panlalawigan, Rachelle Escurel ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office at Romualdo Delos Santos ng Budget Office.

Ipinamalas din ng mga empleyado ng iba’t ibang departamento ang kanilang mga talento sa pag-awit at pagsasayaw sa kanilang mga performances.

Sa mensahe ni Governor Aurelio Umali, sinabi nitong ipinagmamalaki niya ang lahat ng mga kawani ng kapitolyo na napaloob sa Provincial Food Council dahil sa kanilang hindi matatawarang kasipagan ay naging bahagi sila ng pasko ng mga magsasaka.

Ani Governor Umali, sa kabila ng malaking suliraning kinahaharap ng lalawigan dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay ng mga magsasaka ay nariyan ang mga kawani na handang makikapitbisig sa pamahalaang panlalawigan upang harapin ang problema at tulungan ang mga magsasaka.

Pagpapahalaga, pagbibigay respeto, pagmamahalan at pagkakaisa naman ang nilalaman ng mensahe ni Vice Governor Anthony Umali para sa lahat ng mga empleyado upang makapagbigay ng tunay na paglilingkod at malasakit sa mga Novo Ecijano.

Marami din ang nabigyan ng maagang pamaskong regalo mula sa pa-raffle ng kapitolyo kung saan tinanggap ng mga nabunot ang mga iba’t ibang brand at unit ng cellphones, ipad, gift certificates, cash prizes at bagong TV.— Ulat ni Jovelyn Astrero

Watch – Christmas in Havana, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *