Christmas lights sa Public Market ng Cabanatuan City, ininspeksiyon ng DTI-NE

   Nagsimula ng mag-inspeksiyon ang Department of Trade and Industry Nueva Ecija (DTI-NE) sa mga ibenebentang christmas lights sa public market ng Cabanatuan City.

  Isa-isang nilibot ng ahensiya ang mga tindahan, upang suriin kung mayroong nakadikit na Import Commodity Clearance (ICC) sticker at Philippine Standard (PS) mark sa mga itinitinda nitong christmas lights.

   Ayon kay Bobby Faronilio Chief of Consumer Protection Division, ikinatuwa nila na karamihan sa mga tindahan ay sumusunod na sa alituntunin na itinakda ng dti.

   Dagdag pa niya, maaring ito ay resulta ng maaga nilang pamimigay ng listahan ng mga aprubadong brands o tatak na nagpapatunay na ito ay pumasa alinsunod sa standards ng dti.

   Bukod sa ICC sticker ay suriin din ng mga mamimili ang packaging ng christmas lights: dapat nakasaad ang kompletong pangalan at address ng importer at distributor nito; tingnan ang outer diameter size ng wire: dapat ito ay 1.5 millimeters; suriin din kung manipis at marupok ang wire at plug nito.

   Matapos mag-ikot sa palengke ay agarang tumungo ang grupo sa isang mall sa naturang lungsod. Dito namin naabutan si Aling Servilla na tumutingin ng christmas lights.

   Paalala pa ng DTI-NE sa publiko, maging mapanuri at vigilante. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *