CIC KINGS, PANALO KONTRA NEUST PHOENIX, 74-71

Tinalo ng CIC Kings ang NEUST Phoenix sa kauna-unahang pagkakataon sa buong kasaysayan ng Nueva Ecija Collegiate Sports League. Dikitan ang naging laban mula umpisa hanggang sa huli. Sa last quarter, ibinuhos na ng mga manlalaro sa parehong koponan ang kanilang matinding pwersa upang maipanalo ang laban. Ngunit kinapos ang NEUST sa huling segundong nalalabi. Best player of the game si Jejillos (CIC) na nagtala ng 26 points, 8 rebounds at 8 assists. -Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *