CLSU Christmas Lighting, Sumisimbolo sa pagkakaisa ng Lahing Pilipino

Taun-taon ay pinaka aabangan ng mga estudyante, faculty at staff ng Central Luzon State University ang   Christmas Lighting sa Main Gate ng Unibersidad bilang hudyat ng celebrasyon ng nalalapit na kapaskuhan.

Bukod sa mga mag aaral ay dinarayo din ang CLSU ng mga turista at ayon sa mga estudyante isa na itong kilalang lugar na pasyalan tuwing sasapit ang panahon  ng kapaskuhan.

Sa taong ito ang bawat pailaw at dekorasyon ay sumisimbolo sa tema na Bayanihan sa Bayan ni Juan na  nagpapakita ng pagkakaisa, pagmamahal at kultura ng lahing Pilipino katulad ng sunflower na nagpapahiwatig ng pag samba, masaganang buhay at  gabay ng Diyos, ang palay na naglalarawan ng masaganag ani at maunlad na buhay at kubo na sumasalamin sa kulturang pinoy na pagkakaisa at bayanihan.

 Ilan rin sa mga adorno  ay  ang  ipinagmamalaking produkto ng CLSU katulad ng  tilapia at kabute.

Mensahe ni  Dr. Tereso Abella, President ng Unibersidad  nawa aniya ay ipagpatuloy ng susunod pang henerasyon ang Christmas Lighting tradition  ng CLSU.  – Ulat ni Amber Salazar

https://www.youtube.com/watch?v=2sZQfpMQ-TE&t=1s


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *