CLSU GREEN Cobras, Kauna-unahang kampeon sa Men’s Volleyball; NEUST Phoenix, muling nabawi ang titulo sa women’s volleyball ng NECSL Season 5

    NGAYONG TAON, MULING NAPAGWAGIAN NG NEUST WOMEN’S VOLLEYBALL ANG KAMPEONATO SA NECSL SEASON 5 NA GINANAP SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY, CABANATUAN CITY.

KAMPEONATO SA NECSL SEASON 5, MULING NASUNGKIT NGF NEUST PHOENIX.
KAMPEONATO SA NECSL SEASON 5, MULING NASUNGKIT NGF NEUST PHOENIX.

    3RD SET PALANG AY TINAPOS NA NG PHOENIX ANG LABAN KONTRA SA CLSU GREEN COBRAS.

    SA 1ST SET AY MAKIKITA ANG TAGISAN NG GALING AT LAKAS SA PAGPALO SA BOLA NG DALAWANG KOPONAN.

SA PAGTATAPOS NG 1ST SET, LAMANG ANG NEUST, 25-22.

    PAGSAPIT NG 2ND SET, PINILIT NG CLSU NA BUMAWI SA NEUST NGUNIT BIGO ANG MGA ITO.

SA SCORE NA 25-21, NAKUHANG MULI NG NEUST ANG LABAN.

    3RD SET, HINDI NA NAGAWA PANG HUMABOL NG CLSU, 25-16. MAS TUMINDI ANG DEPENSA AT OPENSA NG NEUST DAHILAN UPANG MAPANGHAWAKANG MULI ANG KAMPEONATO.

    ITINANGHAL NA FINALS MOST VALUABLE PLAYER SI ROWENA ROLDAN HABANG NAPABILANG SA MYTHICAL PLAYERS SINA REVI SALAS NG WESLEYAN UNIVERSITY, GERALDINE BAUTISTA NG CRT, ELLAINE TINTERO AT MARILEX BACAO NG CLSU, LORIDEL FRANCISCO AT DONALYN ESQUIVEL NG NEUST.

ROWENA ROLDAN, ITINANGHAL BILANG FINALS MOST VALUABLE PLAYER SA NEUST SEASON 5.
ROWENA ROLDAN, ITINANGHAL BILANG FINALS MOST VALUABLE PLAYER SA NEUST SEASON 5.

    LAKING PASASALAMAT NAMAN ANG IPINAHATID NG MVP NG GRUPO NA SI ROLDAN SA LAHAT NG MGA SUMUPORTA AT NAGTYAGA SA KANILANG PAG-EENSAYO UPANG MAS MAGING MATAGUMPAY ANG KANILANG LABAN.

    SAMANTALA, NASUNGKIT SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON NG CLSU GREEN COBRAS ANG KAMPEONATO SA MEN’S VOLLEYBALL.

    SAGLITANG PINATAOB NG CLSU GREEN COBRAS ANG NEUST PHOENIX NA UMABOT LAMANG SA TATLONG SET SA GAME 2 NG FINALS, 25-14, 25-06, 25-18.

    AYON SA COACH NG CLSU, NAGING BENTAHA NG KANILANG KOPONAN AY ANG MATAGAL NA SAMAHAN AT KARANASAN SA BAWAT LARO NA KANILANG SINASALIHAN.

     ITINANGHAL SI GIOVANNI CATABAY BILANG FINALS MOST VALUABLE PLAYER.

GIOVANNI CATABAY, NAIUWI ANG TITULO BILANG MOST VALUABLE PLAYER SA KAUNA-UNAHANG PANALO SA NECSL SEASON 5 MEN’S VOLLEYBALL.
GIOVANNI CATABAY, NAIUWI ANG TITULO BILANG MOST VALUABLE PLAYER SA KAUNA-UNAHANG PANALO SA NECSL SEASON 5 MEN’S VOLLEYBALL.

KABILANG DIN SA  MYTHICAL PLAYERS SINA KARL WENDELL CIRIACO NG CIC, AIRWILL BAYLON NG WESLEYAN UNIVERSITY, JHON LESTER ALEJO AT JONATHAN LOPEZ NG NEUST, LOUIE CRUZ AT JOSHUA CANOZA NG CLSU. –ULAT NI MYRRH GUEVARRA


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *