CLSU GREEN COBRAS, NAMAMAYAGPAG SA NECSL VOLLEYBALL

   Siniguro ng CLSU Green Cobras na hindi mababahiran ng dungis ang kanilang katauhan sa pagtatapos ng Elimination Round ng Women’s and Men’s Volleyball ng NECSL.

Namamayagpag ngayong elimination round ang Central Luzon State University Green Cobras sa parehong Men’s and Women’s Volleyball ng NECSL ngayong season.
Namamayagpag ngayong elimination round ang Central Luzon State University Green Cobras sa parehong Men’s and Women’s Volleyball ng NECSL ngayong season.

   Noong Miyerkules, September 28, nakaharap ng Green Cobras ang Riders, isa sa kanilang matinding karibal sa NECSL Season 5 Women’s Volleyball Tournament.

   Ipinakita ng Green Cobras ang bagsik ng mga palo ng bawat manlalaro na nagpalumo ng husto sa Riders mula sa dalawang sets.

   Kabilang sa mga napatumba ng Green Cobras na kabilang sa Bracket B ay ang NEUST Phoenix at MVGFC Ambassadors.

   Pasok na rin sa Quarter Final Round ang CLSU Green Cobras Men’s Volleyball.

   Nakuha ng Green Cobras Men’s Volleyball ang unang pwesto, pumangalawa ang NEUST Phoenix at pangatlo ang CRT Blue Fox para sa Bracket B.

   Inaasahan naman sa October 6 at October 7 ang final 3 na makakapasok sa Quarter Final Round mula sa Bracket A ng Men’s and Women’s Volleyball para sa NECSL Season 5.

   Sa kasalukuyan, para sa bracket A ng Men’s Volleyball, nangunguna ang Wesleyan Riders, susundan ng MVGFC Ambassadors at ELJMC Black Ravens.

   Para sa Bracket A ng Women’s Volleyball, maaaring pumasok sa QFR ang ELJMC Black Ravens, CRT Blue Fox at GJC Generals.- Ulat ni Shane Tolentino

Kartada ng bawat koponan mula sa Men’s Volleyball
Kartada ng bawat koponan mula sa Men’s Volleyball
Kartada ng bawat koponan mula sa Men’s Volleyball
Kartada ng bawat koponan mula sa Men’s Volleyball


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *