CLSU GREEN COBRAS, SINIGURO ANG PANALO SA MEN AND WOMEN’S VOLLEYBALL

   Sa unang araw ng Quarter Finals ng NECSL Season 5 Men and Women’s Volleyball, umarangkada ng buong pwersa ang Central Luzon State University Green Cobras.

TINALO NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY GREEN COBRAS ANG KOPONAN NG WU-P RIDERS AT GJC GENERALS SA UNANG ARAW NG QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 5 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT.
TINALO NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY GREEN COBRAS ANG KOPONAN NG WU-P RIDERS AT GJC GENERALS SA UNANG ARAW NG QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 5 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT.

   Siniguro ng nasabing koponan ang kanilang panalo laban sa Wesleyan University Riders at General de Jesus College Generals.

   Kahapon ng umaga (October 11), pinahirapan ng husto ng Green Cobras Women’s Volleyball ang GJC Generals kung kaya’t madali nilang tinapos ang laro na umabot lamang sa 2 sets, 25-14; 25-17. Pinangunahan ni Ventura, Jersey #1 ang panalo na umani ng 13 puntos para sa Green Cobras.

   Nakamit rin ng CLSU Green Cobras Women’s Volleyball ang isa pang panalo mula sa WUP Riders. Sa pagbibida ni Tintero Jersey #3, ang Green Cobras ay umukit ng 25-17, 25-12 kontra Riders.

CRT BLUE FOX (DEFENDING CHAMPION), KUMOLEKTA NG 2 PANALO SA UNANG ARAW NG QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 5 KONTRA WU-P RIDERS AT ELJMC BLACK RAVENS.
CRT BLUE FOX (DEFENDING CHAMPION), KUMOLEKTA NG 2 PANALO SA UNANG ARAW NG QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 5 KONTRA WU-P RIDERS AT ELJMC BLACK RAVENS.

Hindi rin natalo ang College of Research and Technology o CRT Blue Fox sa dalawang laro nang paluhain nito ang WUP Riders, 19-25, 25-14, 25-21 at ELJMC Black Ravens, 23-25, 25-10, 25-17 sa pangunguna ni Bautista Jersey #5 na nagtala ng 18 puntos mula sa Riders at 11 puntos para naman sa ELJMC Black Ravens.

CLSU GREEN COBRAS WOMEN’S VOLLEYBALL, HINDI PINAPORMA ANG WU-P RIDERS
CLSU GREEN COBRAS WOMEN’S VOLLEYBALL, HINDI PINAPORMA ANG WU-P RIDERS

Samantala, namayani rin ang lakas ng CLSU Green Cobras Men’s Volleyball kahapon (October 11). Sa kanilang pagtatapat ng WUP Riders, hindi na pinaporma pa ng Green Cobras ang Riders na makadikit sa laban. Tinapos ng Green Cobras sa dalawang set, 25-20, 25-16 sa pangunguna ni Canoza jersey #13 na gumawa ng 13 puntos.

WUP- RIDERS, BUMAWI NG PANALO SA CIC KINGS, 25-18, 25-16
WUP- RIDERS, BUMAWI NG PANALO SA CIC KINGS, 25-18, 25-16

Bumawi naman ang WUP Riders ng panalo nang makaharap ang CIC Kings. Dikit ang naging laban at palitan ng mga palo ang naganap sa 1st set, 25-18. Pagsapit ng 2nd set, mas matinding depensa at sunud-sunod na malalakas na palo ang ipinamalas ng Riders sa pangunguna ni Baylon Jersey #1 na umukit ng 14 puntos, dahilan upang tuluyang iwanan ang Kings, 25-16.

ELJMC BLACK RAVENS, WAGI KONTRA MVGFC AMBASSADORS, 25-23, 25-7.
ELJMC BLACK RAVENS, WAGI KONTRA MVGFC AMBASSADORS, 25-23, 25-7.

                Nagharap rin kahapon (October 11) ang ELJMC Black Ravens kontra sa MVGFC Ambassadors, 25-23, 25-7. Wagi ang ELJMC Black Ravens sa pamamagitan ni jersey #5 Lulunan na nagbigay sa koponan ng 16 na puntos.

NEUST PHOENIX, TINALO ANG ELJMC BLACK RAVENS, 25-17, 25-15.
NEUST PHOENIX, TINALO ANG ELJMC BLACK RAVENS, 25-17, 25-15.

   Sa isa pang laro ng ELJMC Black Ravens, nakamit nito ang pagkatalo mula sa koponan ng NEUST Phoenix. Umabot lamang sa dalawang set ang laban, 25-17, 25-15. Nagposte si Lopez jersey #1 ng Phoenix ng 11 puntos para pangunahan ang Phoenix sa unang panalo para sa Quarter Finals ng Men’s Volleyball.- Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *