Col. Romulo Manuel Jr. bagong Commander ng Army Artillery Regiment

Opisyal nang itinalaga bilang bagong Commander of Army Artillery Regiment si Col. Romulo Manuel Jr. bilang kapalit ni Brigadier Virgillio B. Bartlome noong February 17, 2020, sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation, Nueva Ecija.

Nagsimula ang paglalakbay ni Col. Romulo Manuel sa larangan ng Philippine Artillery noong 1986 matapos siyang kumuha ng Field Artillery Basic Course sa Fort Bonifacio, Metro Manila.

Naglingkod siya bilang pinuno ng platoon, battalion operation at intelligence officer ng 36th Infantry Battalion, dagdag pa dito ay nagsilbi siyang Operations And Intelligence Officer, Battery Commander at Brigade S2 ng 10th Build Artillery Battalion sa  ilalim ng 4th Infantry Division, nag-aral din siya ng Captains Career Force sa United Sates Army Artillery School sa Oklahoma, USA.

Bilang bagong kumandante, apat na programa ang pagtutuunan umano niya ng pansin, pangunahin ang pagpapatuloy sa mga programa na nagpapalawak ng kaalaman at kadalubhasaan ng hukbong militar, pagpapa-igting ng pakikiisa sa mga stakeholders at sector na nakakatulong sa pag unlad ng Artillery unit para patuloy na pagandahin ang programa na nagpapalakas  sa moral ng mga sundalo.

Sinabi rin nito na pinaka mahalagang aspeto sa samahan ang mga sundalo kaya marapat na mabigyan ng kasiguraduhan ang kaligtasan ng bawat isa.

Pinuri naman ni Lieutenant General Gilbert I. Gapay, Commanding General, Philippine Army na nagsilbing Guest of Honor sa kanyang mensahe si Brigadier Bartlome dahil sa husay na ipinamalas nito sa serbisyo, kabilang na ang pangunguna nito sa halos pitong daang fire mission laban sa mga NPA,  Abu sayyaf at iba pa.

Pinangunahan din nito ang maraming aktibidad sa pagsasanay upang mapanatili ang kahandaan sa operasyon ng hukbo sa pamamagitan ng madalas na pagbisita mula sa subordinate units hanggang sa battery level upang personal na masuri ang sitwasyon ng mga ito.

Naglingkod sa kasundaluhan si Brigadier Bartolome ng tatlumput anim na taon kaya bilang bahagi ng kanyang pagreretiro ay nagpasalamat siya sa suporta ng kanyang asawa, mga anak, mga kaibigan at mga tauhan na nagsilbi na ring kanyang pangalawang pamilya. -ulat nina Clariza De Guzman/Belle Ramirez

Watch – Col. Romulo Manuel Jr. bagong Commander ng Army Artillery Regiment


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *