COMELEC, NAGLUNSAD NG SATELLITE VOTER’S REGISTRATION SA CABANATUAN

Naglunsad ng tatlong araw na satellite voter’s registration para sa mga Cabanatueño ang Commission on Elections sa opisina ng Provincial Comelec sa old Capitol Compound, Cabanatuan City.

Ang nasabing registration and validation of biometrics ng mga botanteng Cabanataueño ay alinsunod sa polisiya ng Comelec na “no bio no boto” para sa gaganaping halalan sa taong 2016.

Ayon kay Nueva Ecija Provincial Elections Supervisor Atty. Panfilo Doctor Jr., tinatayang nasa 50,000 pa sa 212,492 voters ng Cabanatuan ang wala pang biometrics.Pinadadalan aniya ng sulat ng Comelec ang mga botanteng incomplete o hindi kumpleto ang datos sa biometrics upang magpa-validate.

Sinimulan kahapon ang pagpaparehistro at validation ng mga datos ng mga botante mula sa North District ng Cabanatuan.

Ngayong araw, July 2, 2015 naka-schedule ang East at South District; para bukas July 3, 2015 ang mga botante naman ng West at Central District ang nakatakdang magpa-register at validate ng mga datos.- Ulat ni Clariza De Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *