Commendations at incentives, matatanggap ng mga mananalong pulis sa NEPPO Sportsfest 2019

Makakatanggap ng commendations at incentives ang mga magwawaging pulis sa taunang Sportsfest 2019 ng NEPPO o Nueva Ecija Police Provincial Office bilang pagkilala sa kanilang talento, husay at galing sa larangan ng sports na kanilang nilahukan.

 Ito ay nagsimula noong June 25, 2016 na sinalihan ng lahat ng istasyon at puwersa ng kapulisan sa buong lalawigan.

Dagdag pa ni Rosete, taun-taong itong isinasagawa sa tuwing sasapit ang buwan ng hunyo at hulyo ng taon.

Mahalaga aniya na may mga ganitong aktibidades ang kapulisan para maensayo  at mapanatili ang magandang pangangatawan at kalusugan na taglay ng isang pulis.

Tiniyak din nito na bagamat may ganitong aktibidades ay prayoridad pa rin at hindi pababayaan ng mga kapulisan ang kanilang mga sinumpaang tungkulin at gampanin sa komunidad.

Layunin aniya ng SPORTSFEST na mapanatili ang pagkakaisa at mapalakas ang samahan maging ang pisikal, emosyonal, spiritwal na aspekto ng isang indibidwal.

Bukod sa basketball para sa mga lalaki at volleyball sa mga babae ay mayroon rin Tug of war, sack race at presentasyon  ng labing limang koponan na kalahok sa naturang event. Sa ngayon ay nasa 2, 400 na ang bilang ng mga kapulisan at 110 naman ang mga opisyales na kapulisan sa lalawigan.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *