Constitutional Reform Roadshow, idinaos sa Nueva Ecija

Bilang hakbang sa patuloy na pagsusulong ng Federalismo ng administrasyon ay nag daos  ng  Constitutional Reform Provincial Roadshow ang Department of Interior and Local  Government (DILG) at Center for Federalism  sa sector ng lokal na Pamahalaan sa  Lalawigan ng Nueva Ecija.

Dinaluhan ng mga mayors, vice mayors at konsehal ng lalawigan ng Nueva Ecija ang day 1 ng  Balangayan Constitutional Reform  Provincial Roadshow na may temang  “Baguhin ang Lumang Systema, Isulong ang Bagong Konstitusyon”.

Sa dalawang araw ay ipapaliwanag ng mga kawani ng DILG ang kahalagahan ng federalismo sa sector ng media, sangguniang kabataan,  barangay officials at mga punong lungsod at munisipalidad sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Naging paksa sa programang ito ang magiging pagbabago ng bansa sa ilalim ng  federalismong pamumuno pagdating sa ekonomiya,  politika at konstitusyon.

Isa na dito ang pag re rebisa sa distribusyon ng  Internal Revenue Allotment o IRA ng  local government units  upang magamit ng LGUs ang kanilang magiging pondo  sa pagpapaunlad ng kanilang nasasakupan.

Ang IRA ng mga LGUs na kasalukuyang  nakabase sa populasyon, land area at equal sharing ay mababago sa Federalismo. Ang mga LGU na mataas ang bilang ng mga taong mahihirap ay magkakaroon ng mas mataas na IRA  pati na rin ang mga lugar na mahirap puntahan dahil sa lokasyon nito.

Ang Constitutional Reform Provincial Roadshow  ay programa ng  DILG upang ikampanya sa buong bansa  ang federalismo.  – Ulat ni Amber Salazar

Watch – Constitutional Reform Roadshow, idinaos sa Nueva Ecija


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *