Construction Worker, Natagpuang Patay sa Loob ng Kanyang Bahay; Magsasaka Pinagbabaril sa Kubo, Dedo

Natagpuang nakadukdok at duguan ng kanyang live-in partnersi Wilfredo Yan sa loob ng kanilang bahay.
Natagpuang nakadukdok at duguan ng kanyang live-in partnersi Wilfredo Yan sa loob ng kanilang bahay.

Natagpuang wala ng buhay ang isang construction worker sa loob ng kanyang sariling bahay sa Purok Amihan, barangay Barrera, Cabanatuan City.

Kinilala ang manggagawang si Wilfredo Yan y Patio, kwarenta’y syete anyos, ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas sais ng umaga nang madiskubre ng kanyang live-in partner si Wilfredo na nakadukdok, at duguan.

Pinaniniwalaang pinagsasaksak ang biktima sa kanyang likod na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Si Ado ay pinagbabaril ng limang beses at hinampas sa mukha hanggang sa mamatay.
Si Ado ay pinagbabaril ng limang beses at hinampas sa mukha hanggang sa mamatay.

Quezon- Dead on the spot ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng isang armadong lalaki habang nasa kubo sa bukid sa barangay San Miguel, Quezon.

Kinilala ang biktimang si Conrado Cuaresma y Sarmiento alyas Ado, trenta’y tres anyos, may asawa, residente ng naturang barangay.

Base sa pagsisiyasat ng mga pulis, dakong alas singko trenta ng madaling araw, inihahanda ng biktima ang insecticide pang-spray sa palayan ng bigla na lamang dumating ang hindi nakilalang suspek na naka-jacket ng itim at bull cap.

Binaril nito ng limang beses si Ado na kaagad binawian ng buhay. Hindi pa nasiyahan ang suspek, kumuha umano ito ng bote at hinampas pa sa mukha ang nakalugmok na biktima.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *