Couture mask, ibinida ng isang sikat na fashion designer

Ibinida ng Kapampangan fashion designer na si Mak Tumang ang couture mask na kaniyang idinisenyo bilang pangontra sa pandemyang COVID-19.

Ang couture mask ay mga fashionable design o napapanahong disenyo ng mga mask na sinadyang gawin para sa mga modelo at kliyente.

Si Mak ay isa sa mga kilalang designer na nagdisenyo ng ibong Adarna at Mayon inspired gown na ginamit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa ibinahaging post ni Mak sa kaniyang Instagram at Facebook accounts, makikita ang mga mask na ginawa nito na may mga dahon ng plantitos at plantitas na kulay berde na nangangahulugan umano ng pag-asa at patuloy na pag-unlad sa kabila ng dinaranas na krisis ng mga Pilipino ngayon.

Ang plantitos at plantitas ay pinagsamang salita ng “Plant o halaman at tito’s at tita’s na nahihilig mag-alaga ng mga halaman.

Bukod sa couture mask ay kinagiliwan din ng mga netizen ang Lava mask na pareho sa tela at kulay ng evening gown na sinuot din ni Catriona Gray noong lumaban sya sa Miss Universe 2018.

Ang lava box at couture mask ni Tumang ay naglalaman ng isang set ng apat na piraso ng kanyang mga obra na may iba’t ibang kulay gaya itim, gray, pula at orange na pumapalo sa halagang dalawanglibong piso. Ulat ni Myrrh Guevarra

https://youtu.be/hOh36SIJGqE


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *