COVID-19 vaccine, posible na sa US sa Nobyembre ayon kay Trump

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na magkakaroon na sila ng bakuna laban sa coronavirus disease o COVID-19 bago ang eleksyon sa Nobyembre.

Sa selebrasyon ng Labor Day sa US noong September 7, 2020, ikinumpara nito ang kanyang pamumuno kay dating President Barack Obama.

Aniya, kung ito pa umano ang kasalukuyang namumuno sa Estados Unidos ay hindi pa sila makagagawa ng bakuna kontra COVID-19.

Dagdag nito na napababa na nila mula noong buwan ng Abril ang bilang ng mga nasasawi sa kanilang bansa dahil sa naturang virus.

Bago ito ay una nang ipinagmalaki ni Trump na naglaan sila ng pondo para sa pagbili ng bakuna para sa COVID-19.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *