CPA BOARD TOPNATCHER VHINSON GARCIA, PINARANGALAN NG WESLEYAN UNIVERSITY PHILIPPINES

   Binigyang pagkilala si Vhinson Garcia bilang Top 1 sa CPA Board Exam noong nakaraang Biyernes (November 11, 2016) na ginanap sa Podium, Cabanatuan City.

VHINSON GARCIA, BINIGYANG PAGKILALA BILANG TOP ONE SA CPA BOARD EXAM NA GINANAP SA PODIUM, CABANATUAN CITY.
VHINSON GARCIA, BINIGYANG PAGKILALA BILANG TOP ONE SA CPA BOARD EXAM NA GINANAP SA PODIUM, CABANATUAN CITY.

   Bago ito ay naunang ipinarada si Vhinson kasama ang kapwa magaaral sa wesleyan.

   Iginawad mula sa kaniya ng Presidente ng paaralan na si Pacifico Briones Aniag, ang dalawang daang libong piso bilang award.

   Masaya naman ang nanay ni Vhinson sa nakuhang parangal ng kaniyang anak dahil sulit ang mga sakripisyo at paghihirap nila ng kaniyang asawa.

   Laking tuwa din ni lola Concheta Samson na nag-alaga sa kaniya ng anim ng taon na hinubog aniya sa magandang asal ang kaniyang apo at hindi lumaking spoiled.

LOLO CONCHETA SAMSON, MASAYANG-MASAYA SA TAGUMPAY NA NAKAMIT NI VHINSON AT SA PAGPAPALAKI NIYA RITO SA MAGANDANG ASAL.
LOLO CONCHETA SAMSON, MASAYANG-MASAYA SA TAGUMPAY NA NAKAMIT NI VHINSON AT SA PAGPAPALAKI NIYA RITO SA MAGANDANG ASAL.

   Matapos makapagsalita ng mga kapwa magaaral ni Vhinson, ay huling nagtalumpati ito at nagbigay ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kaniyang matagumpay na pagsusumikap.

VHINSON GARCIA, NAKAMIT ANG LAHAT NG PAGSUSUMIKAP AT NAGBIGAY PASASALAMAT SA MGA TAONG NAGING BAHAGI NG KANIYANG TAGUMPAY.
VHINSON GARCIA, NAKAMIT ANG LAHAT NG PAGSUSUMIKAP AT NAGBIGAY PASASALAMAT SA MGA TAONG NAGING BAHAGI NG KANIYANG TAGUMPAY.

Ulat ni MYRRH GUEVARRA

15


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *