Crew Band, Stand-up Comedian Duo “Wacky Kiray” at “Mitch”, nagbigay ng kasiyahan sa Christmas Party ng mga Brgy. Leaders ng Cabanatuan City

   Napuno ng tawanan at sayawan ang Christmas Party ng mga Brgy. Leaders at Senior Citizens ng Cabanatuan City, dahil sa iba’t ibang pakulo ng mga guest performers.

   Hindi napigilan ng mga kasalukuyan at dating Kapitan, mga Brgy. Kagawad, Senior Citizens at mga miyembro ng TODA ng Lungsod ng Cabanatuan ang mapahalakhak at mapaindak sa ginanap na Christmas Party, na inihandog sa kanila nina Governor Czarina Umali,  First Gentleman Atty. Aurelio Umali, Cabanatuan Vice Mayor Anthony Umali at Kapitan Ramon Garcia ng Brgy. Barlis.

   Nabigyan ng sigla ang mga nagsidalo nang magsimulang umawit ang Bandang Crew, na sinabayan ng mga ito sa pag-awit at pag-indak sa saliw ng iba’t ibang tugtugin.

   Lalong tumindi ang tawanan nang magperform na ang stand-up comedian duo na sina “Wacky Kiray” at “Mitch”, na nagpalaro pa sa mga nagsidalo.

   Nakadagdag din ng kasiyahan ang pa-raffle kung saan ilan sa mga napanalunang papremyo ay cellphone, grocery packs at iba’t ibang appliances.

   Bumati at nagbigay ng mensahe sina Former Governor Oyie Umali, Vice Mayor Anthony Umali at Kapitan Garcia sa mga Brgy. Leaders.

   Nagpahayag naman ng kagalakan at pasasalamat ang mga Brgy. Leaders sa mga nag-organisa ng naturang pagtitipon dahil sa mga sorpresang inihanda para sa kanila. -Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *