Crime volume sa Nueva Ecija, bumaba umano ng 21 Porsyento mula January-June 2018

Sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Development Council, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Provincial Peace and Order Council sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali, iniulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office na bumaba sa 4,259 ang naitalang krimen sa lalawigan sa unang anim na buwan ngayong taon kumpara sa 5,401 sa parehong panahon noong 2017.

Hinikayat ng Gobernadora na mas lalong paigtingin ang pagkakaisa ng konseho sa pagtugon sa mga suliranin sa lipunan sa ikatutupad ng mga layunin tulad ng pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan.

Ayon kay NEPPO Provincial Operations and Plans Branch Chief Police Superintendent Norman Cacho, karamihan sa naitalang kaso ngayong taon  ay non-index crime na umabot sa 3,715 mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, kumpara  sa 4, 462 noong nakaraang taon.

Samantala, aabot naman sa 544 ang index crime mas baba kumpara noong nakaraang taon na 939.

Sa loob ng anim na buwan ay nakapagtala ang kapulisan ng bilang na 117 sa physical injuries, kumpara sa 221 noong nakaraang taon. 219 naman ang theft na bumaba sa 126. Ang robbery ay dating 188 na bumaba sa 77. 105 naman ang naitala sa rape at 79 naman ang naitala ngayong taon. Kung dati ang murder ay 71, bumaba ito 53 ngayong taon.

Sa kabila ng mga naitalang bilang ng krimen ay nananatili  aniyang payapa at maayos ang kabuuan ng lalawigan ayon  kay  Police Provincial Director Senior Superintendent Eliseo Tanding.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *