Daan-daang manonood, nag-enjoy sa Tumba-Tumba Festival

   Kapansin-pansin ang pagdami ng mga dumarayo sa bayan ng Sto. Domingo tuwing undas; ang destinasyon, ang barangay Cabugao kung saan ginaganap ang taunang Tumba-Tumba Festival. Ngayong taon, daan-daang manonood ang nag-enjoy sa kakaibang experience na hatid nito.

   Imbes na kalabasa, gumamit ng kundol para sa dekorasyon ang isang grupo na sa lumahok sa Tumba-Tumba.
Imbes na kalabasa, gumamit ng kundol para sa dekorasyon ang isang grupo na sa lumahok sa Tumba-Tumba.

   Nagsiksikan sa pila, naghiyawan sa takot, at kasiyahan, at syempre, hindi-hinding mawawala ang pagpapa-picture ng mga kabataan maging ng mga katandaan.

   Kanya-kanyang eksena ang mga miron na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar upang saksihan ang isang dosenang pakulo ng mamamayan ng Cabugao.

Iba-ibang pakulo ang ginagawa ng mamamayan ng Cabugao, Sto. Domingo upang aliwin ang mga nanonood ng Tumba-Tumba.
Iba-ibang pakulo ang ginagawa ng mamamayan ng Cabugao, Sto. Domingo upang aliwin ang mga nanonood ng Tumba-Tumba.

   Ayon kay Marvin Bulanadi mula sa bayan ng Talavera, matinding excitement ang kanyang na-experience sa pag-iikot sa mga kalsada kung saan makikita ang inihandang disenyo at dekorasyon ng mga sumali sa Tumba-Tumba na may temang horror.

Ang mga nagwagi sa adult category ng costume competition ng Tumba-Tumba Festival.
Ang mga nagwagi sa adult category ng costume competition ng Tumba-Tumba Festival.

   Hindi rin nagpahuli sa pananakot at pagpapasaya ng mga manonood ang mga sumali sa Halloween Costume Competition na hinati sa dalawang categories; ang children category at adult category.

   Patuloy naman umanong hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Cabugao sa pangunguna ni Kapitan Edgardo Pascual ang kanyang mga kabarangay na pagyamanin pa ang kanilang kinagisnang tradisyon na minana sa mga ninuno. Gayundin ang kanyang paanyaya sa mga mamamayan ng mga karatig bayan at lalawigan na tangkilin ang Tumba-Tumba upang pasiglahin ang turismo sa kanilang lugar.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *