Dalawang School Gym at isang Barangay Hall sa Bayan ng San Antonio, magkakasunod na pinasinayaan

     Dumalo bilang kinatawan ni Governor Oyie Umali ang ina ng Lalawigan na si 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali, sa pagpapasinaya ng dalawang School Gym at isang Barangay Hall na naipagkaloob sa Bayan ng San Antonio, ng kasalukuyang administrasyon ng probinsya.

     Mainit at malugod ang naging pagsalubong at pagtanggap ng mga guro at mag-aaral sa Faustino P. De Leon Elementary School at San Mariano East Elementary School sa pagdating ni Congresswoman Cherry sa kanilang eskwelahan, para sa blessing ng mga Gymnasium na kasalukuyan ng napakikinabangan ng mga mag-aaral doon.

     Gayundin, sa pagtungo ng Kongresista sa dalawang palapag na Bahay Pamahalaan ng Barangay San Mariano na pinasinayaan na rin, handog pa rin ng Provincial Government, na kasalukuyan na ring nagagamit ng mga residente doon.

     Kasama ng ina ng Lalawigan ang Pangalawang Punong Bayan ng San Antonio na si Vice Mayor Kaka Balagtas sa ribbon cutting ng mga inagurahang mga proyekto sa nasabing bayan.

     Dumalo din ang ilang konsehales ng bayan ng San Antonio bilang suporta sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang pamayanan.

     Kabilang lamang ang mga ito sa mga proyektong nagawa na ng Administrasyong Umali para sa Lalawigan ng Nueva Ecija na nakapagbigay ng malaking kapakinabangan para sa mga Novo Ecijano.-Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *