DANCESPORT, MULING IBINALIK SA NECSL SEASON 4; WU-P RIDERS, HINAWAKANG MULI ANG KAMPEONATO

WU-P Riders, pinanghawakang muli ang kampeonato para sa Dancesport Competition ng NECSL Season 4
WU-P Riders, pinanghawakang muli ang kampeonato para sa Dancesport Competition ng NECSL Season 4

Pinanghawakang muli ng Wesleyan University-Philippines ang kampeonato sa Dancesport.

Sila ang tinaguriang hari at reyna ng dance floor sa larangan ng pagsayaw ng ballroom na may halong exhibition na nakakuha ng average score of 95.67 %.

WU-P Riders, ipinamalas ang husay sa Dancesport
WU-P Riders, ipinamalas ang husay sa Dancesport

 

Mula sa Rhumba, Cha-Cha at Jive, ginulat ng pambato ng Wesleyan na sina Lenarlyn Mababa at Jessie Bacatot ang mga hurado at manonood sa iba’t-ibang galaw na kanilang ipinamalas.

Dalawang beses ng nadedepensahan ng Wesleyan ang kanilang titulo sa kategoryang ito.

Ayon sa kanilang coach at trainor na si Paolo Alejo, puspusan ang kanilang pag-eensayo at sadyang pinaghandaan ang mga kalaban.

Bukod sa Wesleyan, umangat din ang galing ng CRT BLUEFOX na nakamit ang ikalawang posisyon, ikatlo ang CIC Kings, at ika-apat ang ELJMC Hawks.

Ang mga nagwagi ay nag-uwi P 15,000 sa kampeon, P 12,000 sa ikalawang posisyon, P 10,000 sa ikatlong posisyon at P 8,000 sa ika-apat na posisyon na may kasamang trophy.

Nag-uwi rin ng consolation prize na nagkakahalaga ng limang libong piso ang MV Gallego, La Fortuna College at Good Samaritan College.- Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *