Defending champ CLSU, rank 1 sa quarter finals ng Men’s Volleyball

Awtomatikong pasok ang defending champion Central Luzon State University sa semi-final round ng Men’s Volleyball na mag-uumpisa sa November 11 na gaganapin sa Araullo University Gymnasium.

Nakumpleto ng CLSU Green Cobras ang 5 match sweep matapos magapi kahapon, November 5 ang WUP Riders at Midway Colleges Vikings.

Sa pangunguna ni Daryl Collado ng Green Cobras ay pinadapa ang Vikings sa dalawang sets ng laban, sa parehong score 25-17 at Riders 25-17, 25-18.

Tumipa si Collado ng 12 points kontra Vikings at 8 points para sa Riders.

Hinihintay na lamang ng koponan kung sino sa WUP, NEUST, MVGFC, CRT at Midway ang kanilang makakatunggali sa semifinals.

Sa iba pang laro, pinataob ng Nueva Ecija University of Science and Technology ang Manuel V. Gallego Foundation College sa dalawang sets ng laban, 25-17, 25-9 at College of Reseach and Technology sa score na 25-19, 25-20.

Nanguna sa Phoenix sina Vhanny Santiago na may 12 puntos kontra Ambassadors at Jonathan Lopez na kumamada naman ng 6 markers kontra Blue Fox.

Naglalaro sa pangalawa o pangatlong pwesto ang Phoenix na may 2-1 standing kapareho ng Riders.

Ngayong araw, November 6, bandang alas-12 ng tanghali ay magtatapat ang WUP Riders kontra NEUST Phoenix. Dito ay malalaman na kung sino ang makakakuha ng 2nd spot para sa twice to beat advantage.

Habang susundan ang laro ng MVGFC Ambassadors kontra CRT Blue Fox, NEUST Phoenix kontra Midway Vikings at WUP Riders kontra MVGFC Ambassadors na gaganapin sa NEUST Sumacab Gymnasium.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *