Denisse Garcia, itinanghal bilang binibining San Antonio 2019

Panalo ang pambato ng barangay S0anto Cristo na si Denisse Garcia sa Grand Coronation Night ng Binibining San Antonio na idinaos noong nakaraang sabado January 12, 2019.

Sa pagbubukas pa lang programa, napuno na ng hiyawan ng daan daang manunuod ang loob San Antonio Gymnasium bilang pagsuporta sa kani-kanilang kandidata.

Mula sa Swimwear,  makukulay na Casual Wear at White Evening Gown, nagpasiklaban sa pagrampa ang 16 candidates na mula sa ng ibat-ibang barangay ng bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.

Mas naging matinidi pa ang kompetisyon ng  Top 8 Semi-Finalist na nagpamalas ng kanilang galing sa pagsagot tungkol sa mga napapanahong isyu sa lipunan katulad ng death penalty, women empowerment at political dynasty.

Kaulana’y inanunsyo ang Top 5 na naglaban laban para final competion. 

At sa  huli ay kinoronahan na Binibining San Antonio 2019  si Denisse Garcia.

Aniya, bagamat second time niya ng sumali sa nasabing pageant ay puspusan pa din ang kaniyang naging paghahanda. Kaya naman ang mensahe niya para sa mga nagnanais lumahok sa susunod na taon, huwag mawawalan ng pag-asa sa pagkamit ng kanilang pangarap.

Kabilang rin sa mga pinarangalan ay sina binibini 7-Mikaella Sonza bilang 1st runner up, binibini number 1 Jairah Ann Maglalang-2nd runner up.

Habang 3rd runner up naman si binibining 11 Janna Althea Reyes at binibini 8 na si Charisse Syra santos na itinangahal na 4th runner up.

Ayon kay Jeffrey Villaflor na siyang Event Director ng naturang pageant, layunin ng prestihiyosong patimpalak na i-promote ang bayan ng San Antonio at  upang ipakita sa ibang kabataan ang pagiging isang mabuting ehemplo sa pamamagitan ng pakakaroon ng takot sa Diyos, pagmamahal sa kapwa at respeto sa bawat isa.

Ang taunang pageant ng Binibining San Antonio ay bahagi pa rin ng ika-sampung taong pagdiriwang ng Tambo Festival sa nasabing bayan kung saan isa sa mga ipinagmamalaki nilang produkto ay ang Walis-Tambo. –Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *