Dennisah Ballesca, kinoronahan bilang Binibining Zaragoza 2018

Dennisah Ballesca-Bb. Zaragoza 2018 suot ang casual, swimwear and long gown attire

Naluha at hindi makapaniwala si Candidate Number 16, Dennisah Ballesca ng Brgy San Rafael nang inanunsyo ang kanyang pangalan bilang bagong Binibining Zaragoza para sa taong 2018.

At ngayong taon, ang kanyang korona raw ang magiging susi para maibahagi sa mga kabataang Zaragozeño ang mga programa at adbokasiyang makatutulong para mailayo ang mga ito sa masasamang bisyo.

Isa lamang si Ballesca sa labinganim na kandidata na inabangan at sinuportahan ng mahigit sa isang libong manonood na dumagsa sa Coronation Night sa Zaragoza Municipal Gymnasium nitong nakaraang Martes, April 3.

Ito ang nagsilbing highlight ng pagdiriwang ng 140th Founding Anniversary ng bayan ng Zaragoza.

Ayon kay Emma Arzanan, Vice Chairman ng Binibining Zaragoza 2018, taun taon ay paganda nang paganda ang presentasyon ng nasabing pageant kasabay ng pag-unlad ng bayan.

Bawat kandidata ay nagpatalbugan suot ang kanilang casual wear, swim wear, at evening gown.

Pinabilib din nila ang mga manonood at hurado sa kanilang matatalinong pagsagot sa question and answer portion.

Iba’t ibang special awards din mula sa major sponsors ang tinanggap ng mga kalahok tulad ng Harvest Café and Bistro Choice Award, Ms. Kawasaki Body Premium Bike, Miss Icoismetica, Ms. Hamilton’s, Binibining Republika ng TM, Miss Professional, Miss Congeniality, Miss Color Collection Beauty, Bestin Swimsuit, Best in Evening Gown, Best in Casual Wear, Best in Creative Attire, Best in Talent at Miss Photogenic.

(left to right) 3rd runner-up Shiella Mae Dele-Brgy Sta Cruz, 1st runner-up Julie Daga- Brgy. Manaol, Bb. Zaragoza 2018 Dennisah Ballesca- Brgy San Rafael, Phia Mae Sagat- Brgy. Batitang, at 4th runner-up Jessa Asis- Brgy. Concepcion

Itinanghal bilang 4th runner up si candidate number 12, Jessa Asis ng Brgy. Concepcion.

3rd runner up naman si candidate number 11, Shiella Mae Dele on ng Brgy. Sta.Cruz.

Si candidate number 9, Sophia Mae Sagat ng Brgy. Batitang ang itinanghal bilang 2nd runner up.

Habang si candidate number 4, Julie Daga ng Brgy Manaol naman ang 1st runner up.

Samantala, si Ballesca naman ang inaasahang magiging kinatawan ng bayan ng zaragoza para sa Binibining Nueva Ecija 2018 at iba pang malakihang beauty pageants sa buong lalawigan.-Ulat ni Janine Reyes


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *