Dentista, maswerteng nakuha ang libreng paggamit ng venue halls sa Crystal Waves

 

Maswerteng nabunot sa Grand Raffle Prize sa ginanap na Prelude ng Crystal Waves Hotel and Resort sa Talavera si Dra. Rosemarie Parungao, isang dentista sa RC Parungao Dental Central.

Laking pasasalamat ni Dra. Parungao sa nasabing resort dahil siya ang makagagamit ng libreng venue halls na nagkakahalaga ng 90,000 pesos at maaaring gamitin hanggang December 2020.

Ayon sa kanya, pinilit niya ang kanyang pinsan na pumunta sa Prelude upang makahanap ng photo video coverage para sa birthday celebration ng ina.

At nang makita na maganda ang promo ng halls sa resort ay agad na itong nagpa-booked kahit na wala pa itong paggagamitang okasyon.

Bukod kay Rosemarie, wagi rin ng Free Photo and Video coverage mula sa Clark Sarmenta Weddings and Events si JP Cunanan ng Cabanatuan City.

Ayon kay Grace Pangilinan, ang Sales and Account Manager ng resort, ito ang pinakamalaki at pinakaengrandeng event dahil pinagsama-sama nila ang mga suppliers sa loob at labas ng lalawigan.

Umabot sa 34 na exhibitors ang nakiisa na mula sa Cabanatuan City, Talavera, Aliaga, San Jose City, Gapan City, Urdaneta Pangasinan, Metro Manila at San Fernando Pampanga.

Dumalo rito ang mga bride and groom, birthday celebrant, coordinators, debutant, at marami pang iba.

Isa na nga dito si Melaine Del Rosario na dumayo pa sa resort upang maghanap ng events stylist at catering services para sa kanyang debut sa Mayo.

Samantala, maaga namang inimbitahan ni Pangilinan ang mga Novo Ecijano para sa kanilang Prelude No. 2 sa susunod na taon.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *