DEPARTMENT HEADS NG KAPITOLYO NG NUEVA ECIJA, IPINRISINTA SA AMA NG LALAWIGAN ANG KANILANG MGA PLANO PARA SA TAONG 2016

2Tatlong araw na tinalakay ng bawat department heads ng kapitolyo ng Nueva Ecija ang kanilang mga plano para sa patuloy na pagbabago at serbisyo ng pamahalaang lalawigan ng Nueva Ecija na ginanap sa Camp John Hay sa Baguio City.

Isa sa mga tututukan ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali matapos ay ang pagbibigay ng tamang serbisyong pangkalusugan  sa mga Novo Ecijano tulad na lamang ng pag-uupgrade ng mga ospital kabilang ang medical center ng ELJ Memorial Hospital.

3Dumalo rin ang ina ng lalawigan Congresswoman Czarina “Cherry” Umali na nakiisa sa masusing pag-aaral ng mga inilahad na plano para sa tamang pagbubudget ng pondo  sa taong 2016.

Ilan pa sa mga prayoridad na proyekto ng gobernador sa susunod na taon ang pagpapataas ng antas ng edukasyon, pagpapagawa ng mga kinakailangang imprastraktura, concreting of roads, pagbibigay ng trabaho at pagtulong sa mga mahihirap at nangangailang Novo Ecijano.- Ulat ni Shane Tolentino

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *