DFA, tiniyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Japan

Inutusan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo, Japan upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong posibleng naapektuhan ng lindol na may magnitude 6.7 na tumama sa isla ng Hokkaido kahapon ng umaga September 6.

Sa pahayag ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano, nakikipag-usap na ang pamahalaan sa mga community leaders ng higit sa 1,800 na Pilipino sa lugar na pinangyarihan ng pagyanig.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel, wala pa silang nababalitaan na Pinoy na namatay 0 nasugatan dahil sa lindol

Upang makontak ang mga Pinoy sa Japan, maaaring tumawag sa numerong +818049287979. Samantala ang Pilipinas naman ay pweding makipag-ugnayan sa Office of Migrant Workers Affairs (+632) 834-4996, oumwa@dfa.gov.ph at sa DFA action center sa office hours: +632 834-3333 o kaya pagkatapos ng office hours: 834-4997.

READ MORE:  http://www.bomboradyo.com/walang-pinoy-na-nasawi-nasugatan-sa-hokkaido-quake-dfa/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *