Digital Bosun, tinuruan kung paano magbenta online ang mga MSME

Isa-isang tinalakay ng mga Social Media Marketing Specialists sa harap ng mga mag aaral ng College of Research and Technology, Araullo University, Local Government Unit at MSME o  Micro, Small and Medium Enterprises ang mga hakbang na gagawin kung paano magsimula ng Online Freelancing Career sa ginanap  na launching ng kumpanya ng Digital Bosun noong January 11, 2019 sa Royal Crest Hotel, Cabanatuan City.

Ang mga itinuro  ay kung paano gumawa at mag-manage ng Facebook page upang lalo pang makilala ang produkto, kabilang rin ang pagsasagawa ng social media goals,  Freelancer interview guide, saan hahanap ng online jobs, job proposal, managing payments, at pagpepresyo ng serbisyo nito.

Ang Digital Bosun ay nilakha ng mga estudyante ng Rural Impact Sourcing Technical Training for Talavera sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology o DICT  na umaalalay at  nag-aalok-serbisyo gamit ang social media mula   Web Development, E-Commerce, Graphic Designing, Video Editing at  Social Media Marketing.

Sa aming panayam kay Michael Garcia,CEO ng Digital Bosun,  sinabi nito na hindi lahat ng mga negosyante lalo na ang mga nagsisimula pa lamang ay marunong magbenta sa pamamagitan ng social media kaya naman bumuo aniya sila ng Team upang alalayan ang mga negosyante  partikular ang mga MSME  kung paano mapalago at makilala pa ang kanilang  negosyo sa makabagong henerasyon sa pamamagitan ng social media.

Kabilang sa mga dumalo sina Alvin Abesamis at Jackily Bayugan na miyembro ng MSME dito sa lalawigan,   na dahil sa online business mas malaki anila ang tsansa na umunlad sila kapag natuto sa pagbebenta online.

Masaya ring ibinahagi na Jackilyn na marami ang nag-iinquire sa web page nila. Simula nung sinubukan niyang magbenta online, napatunayan na din na hindi lang aniya umikot ang kanilang produkto dito sa lalawigan bagkus nakikilala na rin sa ibang lugar.

Ayon naman kay Thelma Magno, may-ari ng Bee herbs hindi hadlang ang edad kung talagang gustong kumita kahit pa nga ba Millennial world na ngayon.

Hinikayat naman ng Regional Director ng DICT Luzon Cluster 2 na si Reynaldo Sy ang mga maliliit na negosyante sa lalawigan na subukan na magbenta online katuwang ang mga online workers na siyang magsisilbing “Catalyst” o mag aangat ng negosyo upang lalo pang makilala ito. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *