DILG, hinihikayat ang mga LGU na maglagay ng online market, talipapa at mobile palengke

Hinihikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maglagay ang mga Local Government Units (LGUs) ng online market, community market at market on wheels o mobile palengke sa kanilang mga lugar upang mabawasan ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga wet markets, supermarkets, grocery stores at botika.

Sa ilalim ng ibinabang advisory ng DILG noong April 18, 2020, ipinapahinto sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng window hours o limitadong oras sa pamimili na nagiging dahilan kaya sumisikip ang mga malalaking pamilihan at hindi na nasusunod ang social distancing.

Sa halip ay iminumungkahi ng DILG ang pagtatakda ng mga araw o iskedyul ng pamimili at bumuo ng mga grupo o clustering sa mga barangay upang hindi sabay-sabay ang kanilang paglabas.

Inirerekomenda rin ng kagawaran na makipag ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga supplier ng essential goods upang makapaglagay ng mga alternatibong paraan kagaya ng online market, community market o talipapapa at mobile palengke na ikakalat sa komunidad para mas mabawasan pa ang mga tao sa pamilihan at upang mahigpit pa ring maimplementa at masunod ang social distancing ng bawat isa. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *