Disk Jockey Jennifer Lee, pinainit ang Illumination Dance Party 2018 ng SM Megacenter

Higit isang libong party seekers and party goers at  maging mga turista  ang dumalo sa Illumination Dance Party Year 2 ng SM Megacenter Cabanatuan nitong nakaraang Sabado.

Ang mga naimbitahang mga magpapasaya ng gabi ay sina Gino, The Gents-Dancer ng The Soul Brothers  na sina Kris Lawrence, Jay-R and Billy Crawford at ang pinaka nagpainit ng gabi ay ang sikat na Female Disk Jockey sa mundo ng pagdi-DJ na si Jennifer Lee.

Ayon kay Joan Bondoc, assistant mall manager ng SM Megacenter Cabanatuan, layunin nito na makapagbigay entertainment o saya sa mga Millennials na Novo Ecijano lalo na ngayong magtatapos ang summer break.

Ibinahagi din nito ang kanilang naging paghahanda sa naturang event.

Nagpaabot pa ng mensahe si Bondoc sa lahat ng dumalo at nakiisa sa Dance Party. Hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataong makapag imbita sa lahat ng mga mamimili para sa darating na 3-day Sale ng SM Megacenter.

Habang nagdiDJing si   Jennifer Lee, kasabay ng saliw ng Musika nito ay ang hiyawan at sigawan ng mga kabataan habang binabasa  ng Tubig mula sa Fire Truck. 

Hindi magkamayaw ang mga sabik na sabik sa sayawan na mga millenials at ilan nga sa mga ito na aming nakapanayam ay sina Mikee Clemente at Francisco Bonifacio.

Samantala, kaugnay nito bago pa nagsimula ang inabangang dance party ay nagpasiklaban muna at nagpakita ng angas at galing sa pagsasayaw ang mga kalahok ng Dance Competition na  Infinity Force mula Gen. Tinio, Beat The Hype mula San Leonardo, Ground Zero, Cooltura at Z-Rhymes na  parehong nagmula sa Bayan ng Zaragoza.

Itinanghal na 2nd place ang Beat The Hype na nakatanggap ng P10,000.  COOLTura bilang 1st place na nakatanggap din ng P15,000 at ang nagwagi ay ang Z-Rhymes  bilang kampeyon at nag uwi ng P20, 000 na Gift Certificate mula SM Megacenter Cabanatuan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *