Diskwento Caravan ng DTI, umarangkada sa Ganaderia Palayan City

Idinaraos ng Department of Trade and Industry ang dalawang araw na Diskwento Caravan na sinimulan kahapon at matatapos ngayong araw na ginanap sa Barangay Ganaderia Palayan City, Nueva Ecija bilang bahagi ng 54th Founding Anniversary of Palayan.

Ayon kay Romeo Usebio Faronillo, Division Chief of Consumer Protection Division ng DTI Nueva Ecija Provincial Office, sinabi nito na ang Diskwento Caravan ay ang taunang proyekto ng ahensya upang ilapit sa tao ang abot kayang bilihin.

Ito ay matatapos ngayong araw, ngunit ang ibang mga negosyante ay nais pang humingi ng palugit na hindi muna umalis para makapagbenta pa sila ng kanilang mga paninda sa mga mamamayan doon.

Marami sa mga mamimili ang natuwa sa naturang programa dahil sa laki ng discount na kanilang natipid kumpara sa mga bilihin sa mga mall at ibang mga pamilihan.

C’Point Shoes ni JC, 50 Percent OFF sa dalawang araw na pagbebenta sa
Diskwento Caravan sa Ganaderia Palayan City

Halimbawa nalang ang C’Point Shoes Store ni JC na 50 Percent OFF, kaya sa halip na Php 1,200 ang presyo ay makukuha nalang ito sa halagang Six Hundred Pesos, malaking presyo ang nabawas kumpara sa mga price na mabibili sa mga malls.

Ang ilan pa sa mga produkto na kanilang ibinibenta ay mga Grocery Items, Processed Food at iba pang bilihin katulad ng Furnitures at produktong pampasalubong.

Mahigit sa dalawampong mga suppliers naman mula sa iba’t ibang lugar ang nakibahagi sa naturang aktibidad.

Sa darating naman na June 12, 2020 ay nakatakda nilang idaos ang Diskwento Caravan sa Gabaldon Nueva Ecija para sa Founding Anniversary ng naturang bayan. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Diskwento Caravan ng DTI, umarangkada sa Ganaderia Palayan City


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *