Division School Press Conference, hinasa ang mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag

Hinasa ng Depertment of Education sa larangan ng pamamahayag ang elementary, high school at senior high shool students sa pamamagitan ng inilunsad na Division School Press Conference.

Kaugnay ng tema nito ngayong taon na “Fostering 21st Century Skills and Character-Based Education Through Campus Journalism”, nilalayon nito na pagyabungin ang kaalaman, kakayanan at karanasan ng mga mag-aaral pagdating sa pamamahayag.

Ginanap ang Division Schools Press Conference o DSPC sa Nueva Ecija High School mula noong Martes, October 23 hanggang kahapon, October 24, 2018 na dinaluhan ng nasa mahigit isang libo at isang daan na mga campus journalist mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan dito sa lalawigan.

Ang mga kategoryang pinaglabanan sa DSPC para sa individual contest ay ang News Writing, Editorial Writing, Column Writing, Feature Writing, Science & Health Writing, Sports Writing, Copy Reading and Headline Writing, Photojournalism at Editorial Cartooning.

Kabilang naman sa group contests ang Script Writing and Radio Broadcasting, Collaborative Desktop Publishing, TV Scriptwriting and Broadcasting, at Online Publishing.

Ang gawaing ito ng DepEd ay alinsunod sa Republic Act No. 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 kasama ang DepEd Memorandum No. 216, s. of 2016.

Samantala, nakatakda namang isagawa ang Regional Schools Press Conference mula November 19 hanggang November 21 habang ang National Schools Press Conference naman ay gaganapin sa January 28 hanggang February 1, 2019 sa Vigan City, Ilocos Sur.

Nag-iwan din ng mensahe si Gatmaitan sa mga estudyante na nakiisa sa nasabing kompetisyon. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *