Dobleng balota, natuklasan sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City

     Maagang tumungo sa caalibangbangan elementary school si marissa upang bumoto. Madali niyang nahanap ang kanyang pangalan at agaran ng pumila. Naging maayos na sana ang buong proseso ng kanyang pagboto. Ngunit nang ipapasok na ang kanyang balota sa vcm ay ayaw na itong kainin ng makina.

     Laking gulat niya na doble pala ang ibinigay sa kanyang balota.

     Parehong sitwasyon din ang nangyari kay lady sa clustered precint 102.

     Botante, nagreklamo dahil wala sa Voters Lists ang pangalan niya kahit mayroong biometrics

     Naabutan naman namin na nagrereklamo si Jun Del Rosario, dahil nawawala umano ang pangalan nilang mag-asawa sa Voters List.

     Ayon sa kanya, ay pareho naman silang mayroong biometrics. Kaya’t laking pagtataka niya kung bakit hindi nakalista ang mga pangalan nila sa mga botante.

     2 balota hindi binasa sa Caudillo Elementary School

Samantala, sa Caudillio Elementary School ay dalawang balota ang hindi binasa ng Vote Counting Machine o VCM.

     Aniya, hindi umano sinasadyang nabasa ng pawis ng mga botante ang kanilang mga balota habang bumuboto.

     Mahigpit na pinaalala ng COMELEC na sensitibo ang mga balota. Bawal itong malukot, mabasa, masulatan, matupi at mapunit. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *