DOH, inilunsad ang Hi-5 sa Nueva Ecija

Sinimulan na ng Department Of Health ng Region III ang High five o High Impact Five sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nilakipan ito ng temang “Kalusugang tuloy-tuloy para sa pamilyang Pinoy” upang lalong pagtibayin ang mga programang nakalatag sa millenium development goals sa probinsiya.

Ayon kay Leonita Gorgolon, Regional Director ng DOH Region III, layunin ng programa na pag-ibayuhin pa ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang pilipino.

Ang High five ay binubuo ng maternal care, child care, infant health care, immunization, human immuno deficiency o hiv at service delivery network.

It’s Zumba time with Provincial Health Office Staff.
It’s Zumba time with Provincial Health Office Staff.

Sinisikap ng DOH na pababain ang mga kaso ng maternity at infant mortality rate sa bansa.

Bukod pa, sa malaking hamon sa pagsugpo ng kaso ng HIV/AIDS na patuloy na tumataas.

Katuwang ng DOH ang Provincial Health Office, Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital, Philhealth, Provincial Government ng Nueva Ecija at marami pang iba.

Ibinaba ng DOH ang mga libreng serbisyo pangkalusugan katulad ng prenatal/postnatal checkup, family planning, outreach immunization session, HIV counseling, voluntary blood donation, vitamin a supplementation and deworming at TSEKAP para sa mga senior citizen.

Ayon kay Dr. Benjamin Lopez, Provincial Health Officer ng Nueva Ecija, mas pinili nila na karamihan sa unang mapagkalooban ng libreng serbisyo ay ang mga kapatid na Aeta.

Sa kasalukuyan, ang Nueva Ecija ang ika-apat na probinsiya na napaglunsaran ng High five. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *