Dokumento ng 46 Medical Consultants, sinigurong hawak ng SP Cabanatuan

Siniguro ni Vice Mayor Anthony Umali na hawak na ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang mga dokumentong hinihiling niya para sa ratipikasyon ng Apat na pu’t Anim na Medical Consultants baago ito pagtibayin sa Ika-14 na Regular Session.

Kagaya na lamang ng listahan ng accomplishment report ng mga consultant na kinumpirma sa Chairman ng Committee on Good Government, Public Ethics and Accountability at Sekretarya ng Sanggunian.

Nilinaw din ng Bise Alkalde kung libre at gaano kalawak ang binibigay na serbisyo ng mga kasangguni sa mga pasyente ng lungsod.

Ayon sa Pangalawang Punong Lungsod, nais ng bagong sanggunian na maging dokumentado at detalyado ang bawat panukalang resolusyon at ordinansa na dumaraan sa kanilang kapulungan upang maging maayos ang rekord na hinahawakan ng sanggunian.

Hindi aniya kinekwestiyon ang kakayahan ng mga kasangguni kundi nais lang din niyang maging malinaw ang lawak ng kanilang serbisyo sa taong bayan upang mas matulungan ang mga Cabanatueño na nangangailangan ng tulong medikal.

Base sa Committee Report ay hindi na oobligahin ang mga dating Medical Consultant na dumalo sa susunod na Committee Hearing kapag nag-renew ng panibagong kontrata.

Bagay na hindi sinang-ayunan ng Bise Alkalde, dahil konting oras lang naman aniya ang hinihingi ng sanggunian upang muling maipagpatuloy ng mga kasangguni ang kanilang pagseserbisyo sa lungsod.

Ang 46 na kasangguni ay nakatatanggap ng P25,000 sweldo kada buwan. –Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *