Do’s and Don’ts sa Barangay at SK Elections 2018, pinaalala ng COMELEC

Ilang araw na lang kaliwa’t kanang  posters, jingles, motorcades ang tatambad sa atin sa pagsisimula ng kampanyahan sa Mayo 4 – 12 upang makamit ang matamis na boto ng mga botante.

Kaya naman, muling nagpaalala ang COMmission on ELECtions o COMELEC sa mga kandidato ngayong panahon ng Barangay at SK Elections (BSKE).

Sa pahayag ni Atty. Panfilo Doctor Provincial Election Supervisor ng COMELEC-NE, ipinagbabawal ang pangangampanya bago ang itinakdang campaign period maging sa social media.

Ang bawat kandidato ay maaari lamang gumastos ng P5 kada botante.

Ipinagbabawal din na maglagay ng mga poster sa mga puno, poste ng kuryente, at sa iba pang lugar na hindi sakop ng common poster area.

Ang sinumang lalabag sa patakaran ay maaaring makulong at ma-disqualify.

Mayroon aniyang Campaign Monitoring Group kung saan magsisilbing Chairman ang Election Officer ng bawat bayan at lungsod upang magbantay sa aktibidad ng mga kandidato.

Paalala rin ng COMELEC na dalawang balota ang tatanggapin ng mga kabataan na may edad 18 -30 anyos.

Hinihikayat din ng COMELEC na tumalima ang mga mananalo at matatalong kandidato na magsumite ng kanilang Statement Of Contributions and Expenses (SOCE) sa June 13, 2018. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *