Drug Rehab sa Palayan City, patatakbuhin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija

Binisita ni Governor Aurelio Umali ang kauna-unahang Drug Rehabilitation Center sa Palayan City na patatakbuhin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Alinsunod sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinatayo ang Drug Rehabilitation Center bilang suporta sa pagsugpo sa illegal na droga.

Ayon kay Governor Umali na ang Nueva Ecija Drug Rehabilitation Center ay magbibigay sa mga drug surrenderees ng mga aktibidad tulad ng pag โ€“aaral, pagkakaroon ng psycho at spiritual evaluation at mayroon ding libreng serbisyong medikal.

Makakatuwang ng Provincial Governmentย  ang Ako ang Saklay na pangungunahanan ni Rev. Fr.Arnold Abelardo, Nueva Ecija Police Provincial Office, USAD o United Stand Against Dangerous Drugs, Department of Health at TESDA na makatutulong sa edukasyon ng mga drug surrenderees.

Sa aming panayam kay Rev. Fr. Arnold Abelardo, ang programang ito ng Provincial Government ay nakatuon sa pangangalaga ng kalusugan ng mga nalihis ng landas dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi pa ni Abelardo na ito ay tulong na din para mabigyan ng tyansa na mabago ang kanilang buhay at muling makabalik ng maayos sa kanilang komunidad at pamilya.

Ang Drug Rehabilitation Center sa Barangay Ganaderia, lungsod ng Palayan ay may lawak na tatlong hektaryang istruktura at higit isandaan ang kapasidad nito.

Ang mapapabilang na mga drug surrenderees ay i-aassess ng tatlo hanggang anim na buwan.

Matapos ang pag-aasess ay magkakaroon pa rin ng monitoring o aftercare upang masiguro kung sila ay talagang nagbago na.

Nangangailangan naman ng mga kawani ang Drug Rehabilitation Center kaya magkakaroon ng pagkakataon na magkatrabaho ang maraming Novo Ecijano.

Target din ng Pamahalaang Panlalawigan na buksan ang mga pasilidad sa darating na buwan ng Nobyembre. Ulat ni Joice Vigilia/ Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *