DSWD KALAHI-CIDSS, nagsagawa ng kauna unahang media tour sa Gen. Mamerto Natividad

Sa pamamagitan ng isinagawang media tour ng Department of  Social Welfare and Development  sa bayan ng Gen. Mamerto Natividad noong Oktubre 11, 2018  ay ipinasilip sa amin ang mga proyektong naisakatuparan ng DSWD  na kahilingan ng mga mamamayan ng Barangay Mataas na Kahoy at Picaleon.

Ito ay sa ilalim ng programa ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahid-CIDSS na nalalapit na ang pagtatapos  sa susunod na taon.

Unang dinalaw ng grupo ay ang Mataas na Kahoy National High School na tinayuan ng  dalawang classrooms na hiniling  ng mga magulang ng mga mag aaral  dahil sa kakulangan ng silid-aralan sa nasabing paaralan at maiwasan na  ang pagdayo ng kanilang mga anak sa ibang lugar para doon mag aral.

Ayon kay Nenita Dominggo, English Teacher at kasalukuyang Faculty President ng Mataas na Kahoy National High School ,dahil sa biglaang   pagbabago ng edukasyon sa bansa  ay kinailangan din aniya nilang magkaroon ng sapat na silid aralan  dahil limitado lamang aniya  ang kanilang pasilidad.

Nagpapasalamat naman si  Rosana Ferin, aktibong  volunteer mula sa Purok 4 ng Mataas na Kahoy dahil aniya sa pagtugon ng DSWD Kalahi CIDSS   ng mga kakulangan sa kanilang Barangay ay nagkaroon sila ng kamalayan at  mas binibigyang pansin na nila ngayon  ang mga  pangangailangan ng kanilang mga ka-barangay.

Sumunod na pinuntahan ng grupo ay ang Barangay Picaleon  upang makita at makapanayam ang mga benepisyaryo ng anim napung  solar power street lights sa lugar.

Inisa isa naman samin ni  Cesario Junior Villarico, Committee Empowerment facilitator ng General Mamerto Natividad, ang dahilan kung bakit ilaw sa kalsada ang unang idinulog ng kanilang nasasakupan kagaya ng nagkakawalaan  ang mga palay sa tuwing sasapit ang anihan at  nagiging delikado para sa mga kabataan lalo na sa mga estudyanteng pumapasok ng madaling araw at umuuwi ng gabi.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *