DSWD-Region III, umapela sa mas mabilis na pagsasabatas ng panukalang “Magna Carta for Day Care Workers”

Isa sa pangunahing adbokasiya ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang pagsusulong sa panukalang batas na “Magna Ccarta for Day Care Workers”.

Sa ilalim kasi nito, ay inaasahang magkakaroon ng regular na employment status ang mga day care workers dahil sa ibibigay na plantilla positions sa kanila.

Bukod pa rito, makakatanggap rin sila ng salary grade 6-8 na sweldo at iba pang benepisyo tulad ng overtime pay, hazard allowance, subsistence allowance at otomatikong magiging miyembro ng GSIS, PhilHealth at PAGIBIG.

Sa kasalukuyan ay aprubado na ng kamara at nasa senado na ang naturang Magna Carta.

Kahapon, sa ginanap na 36th General Assembly ng DSWD Region III sa Convention Center, Palayan City, umapela ang mga Regional at Provincial Social Welfare and Development Officers ng mas matinding suporta para sa mas mabilis at tuluyang pagpasa ng panukalang batas.

Ayon kay DSWD Field Office III Regional Director Gemma Gabuya, hindi umano sila titigil hangga’t hindi tinatawag na professionals ang mga child development workers.


UMAPELA ANG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT REGION 3 NG SUPORTA PARA SA MAS MABILIS NA PAGSASABATAS NG MAGNA CARTA FOR DAY CARE WORKERS.

Samantala, tinalakay din sa general assembly ang iba’t ibang resolusyon sa supplemental feeding, collection fees, load allowances at iba pa.

Sa kabilang banda, umabot sa mahigit kumulang tatlong libong day care workers ang nakiisa sa assembly kabilang na ang mga MSWDOs at PSWDOs mula sa iba’t ibang probinsya gaya ng Pampanga, Bulacan, Bataan, Tarlac, Zambales, Aurora at Nueva Ecija. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *