DTI-Palawan, nagbabala sa overpricing sa negosyo

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Palawan ang mga negosyante na sumunod sa suggested retail price (SRP) ng mga basic necessities at prime commodities upang maiwasan ang overpricing sa Puerto Princesa City.

Aniya, hindi dapat manamantala ang mga negosyante sa gitna ng pagtataas ng presyo ng bilihin bunsod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law dahil may parusa silang maaaring kaharapin dito.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng DTI na mas mataas ng kaunti ang mga presyo ng bilihin sa mga munisipalidad ng Palawan dahil sa pamasahe sa transportasyon ng mga produkto.

Silipin ang kabuuang balita sa :DTI-Palawan warns businesses vs overpricing


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *