DTI, target maglagay ng 5 MSME’s sa bawat barangay sa Lalawigan

Sa ginanap na Kapihan with Media kahapon June 24, 2019 ay inisa isang tinalakay ni Brigida Pili, Provincial Director ng Department Of Trade and Industry-Nueva Ecija,  ang mga Accomplishments ng DTI noong nakaraang taon at ang papalapit na major events ngayong taon.

Ayon kay Pili, target umano ng DTI na magkaroon ng limang SME’s sa bawat barangay prayoridad ang apat hanggang anim na class municipalities sa lalawigan.

Dagdag pa nito, tinitiyak ng ahensya na lahat ng kailangan ng maliliit na negosyante ay maibigay upang masiguro na sila ay uunlad bago matapos ang taon.

Samantala, nilinaw naman ni Pili na sa ngayon ay wala pang lumalabag sa panukala sa mga presyong ipinapatupad ng DTI. Kung mayroon man aniya ay may karampatang parusa na kahaharapin.

Hinikayat naman ni Pili ang mga mamimili na magsalita, magreklamo at maging mapanuri sa mga produktong binibili.

Layunin ng DTI na mailapit ang serbisyong ng Pamahalaang Nasyonal sa lalawigan, at    para malaman ng mga Novo Ecijano ang serbisyong kailangan ibigay ng ahensya sa tao.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *