Duguang Nanay, Natagpuan ng Kanyang Anak sa Ilalim ng Papag; Mister Nagpakamatay Matapos Makipagtalo kay Misis

San Isidro- Nadatnan na lamang ng isang labing isang taong gulang na bata na patay na at naliligo sa sariling dugo ang kanyang nanay sa kanilang inuupahang bahay sa Sideco Street, barangay Poblacion, San Isidro.

Kinilala ang biktimang si Clarissa Vergara y Santiago, trenta’y sais anyos, hiwalay sa asawa, at residente ng naturang lugar.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima, bandang alas kwatro trenta ng hapon, nadiskubre nyang wa;la ng buhay at duguan ang kanyang ina sa ilalim ng kanilang papag sa loob ng kwarto.

Pinag-aaralan na ng mga otoridad ang mga posibleng motibo sa pagpatay sa biktima at pagkakakilanlan sa suspek.

Quezon- Tinapos ng isang mister ang kanyang sariling buhay matapos makipagtalo sa kanyang misis sa barangay Dona Lucia, bayan Quezon.

Isang bala ng caliber 357 magnum ang kumitil sa buhay ni Eddie Avellaneda y Ruzol, singkwenta anyos, ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa, isang oras bago marinig ng misis ng biktima na si Airene ang isang putok ng baril galing sa labas ng kanilang tahanan.

Paglabas umano ni Airene sa kanilang garden ay tumambad na sa kanya ang wala ng buhay na mister na nakahandusay sa sahig, may tama sugat sa ulo, katabi ng naturang baril.- Ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *